Sa unang araw palang ng aming pagsasama
kagandahan niyang aeal ang aking nakikita
sa kanyang mga kilos na kaayaaya
madaling makitungo sa kanya ang iba.
Naging kaibiga't kapatid ang turingan
tuwing magkakadama'y tuloy tuloy ang kwentuhan
hindi ko maunawaan kung bakit ba ganyan
aking nadarama'y nag iba na ng tuluyan.
Nais ko na kanyang malaman
ang damdaming aking natagpuan
ngunit puso niya at damdamin ay manhid naman
hindi pansin at makita ang nararamdaman.
Panain ka nawa ng Diyos na si Kupido
upang maibsan ang pangamba sa aking puso
sa dinami dami ba naman ng tao sa mundo
kung bakit ikaw pa ang dumating sa buhay ko.
Hahayaan ko na lang tadhana ang magpasya
ngunit sana ikaw sa aki'y maitakda
dinadalangin kong lagi kitang makasama
kahit di maunawaan KUNG BAKIT IKAW PA?
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento