nilukot ko na ito noon.
para bang wala ng halaga ito sa akin ngayon.
isinilid ko ito sa isang basurahan
walang gumagalaw kahit sunugin man lang.
isang araw naghanap ako ng papel na pagsusulatan.
wala akong makita.
hanggang sa mapalingon ako sa dako roon..
AYUN! andun pa ang papel na nilamukos ko noon.
kinuha ko ito. nagsulat ako ng nagsulat..
hindi mawari kung ano ang inilalapat.
Ilang minuto ang nakalipas.
nagtaka ako at nagulat.
Nang biglang lumitaw,
pangalan ng aking pinapangarap!
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento